Naglilipat pa lang ako ng blog..ha ha.Kung inyong mapapansin,pare-pareho ng date ng pag publish.ha ha.Well, please enjoy this short post..
Nung Linggo nagkachat kami, sabi niya nadoDOTA siya.Hinayaan ko naman kasi baka madalang siyang makapaglaro. Hindi ko siya makausap ng matino. Gusto ko sana maglabas ng sama ng loob tungkol sa aking nakaraan. Hindi ko na kasi kayang sarilihin.Naghanap na lang ako ng ibang makakausap.Ibang mapagtutuunan ako ng pansin.At sa huli, binuhay ko ang kinabukasan na parang walang nangyari.
Kanina lang magkachat kami. Medyo nahihiya ako dahil sa nabasa niya ang blog ko.Tapos tinanung ko siya kung ano ginagawa niya.”duta”. For Pete’s sake! DOTA nanaman. Aaminin ko naadik din ako dun, kaso tama ba yun. Well isa lang masasabi ko..
“PAKASAL NA KAYO..leche”..XD
‘Di joke lang.
Maraming larong nalalaan ang asawa ko. Mapa pambata o hindi (kahit kadalasan ay pambata nga), pang tao o hindi. Kung anu-ano.Grabe…Buti na lang isa akong taong bingiyan ng pangunawa (kung bakit ganun sya..ahaha.joke lang). Nageenjoy naman akong panuorin siya sa mga ginagawa niya.Pero alam kong mas higit na kasiyahan ang nararamdaman niya. Sa mga pangtrip trip, mga out of this world na kalokohan, mga di mo lubos maisip na kaya pala yun gawin ng tao.Sa bawat ngiting nakikita ko, wala pa rin tutulad sa mga ngiti at mutawi niya.Mga simpleng ngisi at tawa.Mga bagay na nagpapasaya sakin kahit halos pasan ko na ang buong sansinukob.
Hindi ako natatakot na sabihin sa iba na mahal ko siya.Ano naman ikahihiiya ko kung totoo naman di ba?Naalala ko nung nasalang ako sa laro niyong “hatol” sa may ilalim ng baras. “Mahal mo ba si reji?”, sabi ng isa kong kaibigan. “Oo!”, sabi ko.Sigaw ng pagmamadali, nasabi ko ang nais kong sabihin.Nais ko na kasing makaraos sa di makataong trip nila..haha
Pero sa kabila nung pagmamadali, totoon ang “oo” na sinabi ko.Sa dalawang letrang salita na yon malalaman ang milyun-milyong mensaheng aking sinasaloob..Mga mensaheng maari lamang marinig kapag ako ay seryoso o kaya ma’y lasing sa alak na sinolo..XD
ahaha.I love my husband.=)
No comments:
Post a Comment